Ariella Arida niregaluhan ng mamahaling bag ni Willie, totoo nga bang baging magdyowa?


SINAGOT na ni Miss Universe 2013 3rd runner-up Ariella Arida ang chika na naging magdyowa sila noon ng TV host-comedian na si Willie Revillame.

May mga kumalat kasing balita na nagkaroon ng relasyon sina Ariella at Willie ngunit nagdesisyong maghiwalay dahil sa pressure sa kanila ng pamilya ng dating beauty queen.

Sa media conference na ibinigay ng Bargn Pharmaceuticals para sa co-host ni Willie sa Wowowin bilang endorser ng CosmoSkin Grapeseed Extract (GSE) at FiberMaxx Daily Fiber Supplement, mariing itinanggi ng dalaga ang nasabing tsismis.

“Grabe naman! Wow, hindi naman! Kuya nga ang tawag sa kanya, di ba?” ang natatawang pahayag ni Ariella. Aniya, meron siyang non-showbiz boyfriend ngayon at alam daw ito ni Willie.

Nilinaw din ni Ariella na hindi lang siya ang nireregaluhan ng TV host-comedian ng mamahaling bag kundi lahat ng kasamahan nila sa Wowowin.

“Sana nga, di ba, may pa-Hermes? Ano naman, hindi lang sa akin, sa lahat sa amin. Kasi si Kuya, kapag natutuwa siya, halimbawa, okey ang mga ginagawa namin, performance, basta napi-feel niya, parang pinaka-bonus niya sa amin.

“Pero hindi lang ako, lahat kami, and mostly mas masaya buong staff, isinasama niya, ano lang naman, mga free shoppingm ganu’n. Si Hermes, naghihintay pa, pero hindi ko alam kung kanino. Ang alam ko kasi, si Kuya, mahilig siya mamili ng ganoon, inireregalo niya sa mga friends niya.

“Nabigyan niya ako ng bag, yes po, LV (Louis Vuitton), pero pare-pareho po kami ng level (ng mga co-hosts). Okey si Kuya sa akin, sa staff, saka alam din niya na I’ m happy,” paliwanag pa ng dating beauty queen.

Natanong din si Ariella kung ano ang reaksiyon niya sa balitang posibleng sa Pilipinas uli ganapin ang 66th Miss Universe, sagot niya, “Of course, I’m excited.

“Ang feeling ko kasi, that’s why they’re doing it again here, parang natuwa talaga ang Miss Universe Organization sa welcome ng Filipinos sa pageant. And I think they really had an impact worldwide kaya feeling ko, they really want it here again,” aniya.

Ano naman ang maipapayo niya sa bet ng Pilipinas sa 2017 Miss Universe na si Rachel Peters? “Like what I’ m telling before kay Maxine Medina, na sabi ko huwag siyang kabahan. Actually, it’s her advantage, kasi siyempre yung cheer pa lang ng mga Pilipino will motivate her, the same way for Rachel, kaya excited din ako.”

Anyway, perfect daw si Ariella Arida bilang ambassador ng CosmoSkin Grapeseed Extract (GSE) at FiberMaxx Daily Fiber Supplement, ayon sa mga may-ari ng Bargn na sina Nino Bautista at John Redentor Gatus, Jr..

“Sa pamamagitan ng CosmoSkin Grapeseed Extract, nagbibigay ang Bargn ng isang definitive na solusyon sa common skin ailment na kung tawagin ay Melasma, na isang kundisyon na lumilikha ng maiitim na patches sa balay na karaniwang matatgpuan sa pisngi, ilong, labi, and noo, at apektado dito ang halos 90% ng mga kababaihan sa buong mundo.

“Pinapalala ang kundisyon na ito ng sun exposure, at dahil dito ang mga kababaihan na mayroong active at outdoorsy lifestyles ay mas malaki ang tsansa na magkaroon ng dark pigments ikumpara sa iba,” paliwanag ni Nino Bautista.

“Mahalaga para sa akin na fit ang aking katawan. Sa aking schedule, lagi kong sinisiguro na may oras akong tumakbo at lumangoy at isa ito sa mga dahilan kung bakit balanse ang aking buhay. Pero siyempre, apektado rin ang aking balat dahil sa mga ang mga activities na ito. Wala namang immune sa sun exposure, at hindi sapat ang sunscreen lamang,” paliwanag naman ni Ariella.

Nais namang i-promote ni Ariella ang FiberMaxx para sa good digestive health, tulungan ang lahat na pabaain ang cholesterol at fats, at para tulungan din ang lahat na i-maintain ang malusog na sugar levels.

Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang @cosmoskin sa Twitter at Instagram, i-like ang FiberMaxx Fan Page sa Facebook, sundan ang @fibermaxx sa Twitter at Instagram, at bisitahin ang www.cosmo-skin.com.

Read more...