‘Ay may daga!’ pose nina Marian at Zia umabot na sa US

MARIAN RIVERA AT ZIA DANTES

HANGGANG sa Amerika, dala-dala ng mag-inang Marian Rivera at Zia ang signature pose nilang, “Ay may daga!”

Kasalukuyang nasa US ang mag-ina kasama si Dingdong Dantes para makibahagi sa ating kababayan sa Carson, California sa pagdiriwang ng Philippine Independence Day.

Siyempre, may family moments din silang tatlo dahil nu’ng una nilang sinama si Zia sa Tate eh, wala pa siyang masyadong malay.

This time, marunong na rin siyang umeksena kaya naman bukod kina Dong at Yan, pinagkakaguluhan din siya ng mga tao.

Read more...