Lalaki mula sa Baguio kakasuhan matapos magtangkang magpakamatay gamit ang isang granada

NAHAHARAP sa kasong alarm and scandal ang isang dating miyembro ng binuwag na Philippine Constabulary matapos mabigong magpakamatay gamit ang isang granada sa loob ng isang gusali sa Baguio City Public Market noong Miyerkules.

Sinabi ng Cordillera Police na haharapin ni Daniel Chong ang kaso matapos makapagpagaling mula sa tinamong mga sugat sa isang lokal na ospital.

Nalaman ng pulisya na tinangka ni Chong na pasabugin ang sarili gamit ang granada sa loob ng  Kibungan Bar sa loob ng Julian Building sa kahabaan ng Hilltop Road matapos umalis ang kanyang ka-live-in partner, Irene Ayawan, para ihatid ang kanyang mga anak sa paaralan ganap na alas-6:45 umaga.

Inaatake ng hika si Chong ng mga oras na iyon.

Idinagdag ng mga pulis, na nadiskubre ni Judilyn Lingbaoan, ang kahera ng bar, na natutulog sa ikalawang palapag ng gusali, na naliligo sa sariling dugo  si Chong at dinala sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) para magamot.

Read more...