Driver ng ambulansiya, 7 pa arestado dahil sa ilegal na droga sa Bulacan

ARESTADO ang isang driver ng ambulansiya at kanyang kasama matapos mahuli sa akto habang nagbebenta ng droga matapos ang isinagawang operasyon sa bayan ng Donya Remedios Trinidad (DRT), Bulacan, ayon sa pulisya.

Ipinarada ni Privado Salonga ang ambulansiya ng barangay Minuyan sa Barangay Pulong Sampalok at nakipagtransaksyon sa isang undercover  na pulis, dahilan para ito maaresto ganap na alas-9 ng gabi noong Miyerkules. Nahuli rin ang kasama ni Salonga na si Ron Joseph Agustin.

Nakumpiska ng mga pulis mula sa mga suspek ang 2.4 gramo ng shabu.

Naaresto rin ang kanila umanong supplier na si  Mark Anthony De Guzman, matapos ang hiwalay na operasyon ng pulis sa Barangay Pulong Sampalok ala-1 ng hapon noong Miyerkules.

Sinabi ni Senior Inspector Roldan Manulit, DRT chief of police, na naniniwala ang pulisya na madalas gamitin ang ambulansiya sa  pagdedeliber ng droga mula sa  San Jose del Monte City.

Ganap na alas-10:30 ng gabi sa bayan ng  Norzagaray, naaresto naman ang first aid specialist na si  Divina Gracia Santiago, ng municipal disaster risk reduction management office (MDRRMO), kasama ang apat na iba pa matapos mahulihan ng shabu habang nag-ma-mah-jong sa Barangay Minuyan.

“The shabu sticks protruded from a cigarette case,” sabi ni  Supt. Angel Garcillano, Norzagaray chief of police. Inquirer

Read more...