GALING ako sa Alliance Tele.net company, call center sa may Ortigas, kung saan kami ay kinakaltasan ng pang-SSS, PhilHealth at iba pang benepisyo pero hindi sila nagbabayad.
Nagtanong na kami pati ang aking mga kasama about sa contribution namin ngunit wala silang inihulog. Nais kong itanong papaano po ba kami mag-rereklamo?
Angeline Vicente
REPLY:
Good day,
Kung kayo po ay kinakaltasan sa inyong suweldo at hindi ito inihuhulog sa SSS, Pag-Ibig and Philhealth, narara-pat lamang na kayo ay magsadya sa tanggapan ng legal department sa mga nabanggit na ahensiya at maghain ng kaukulang reklamo sa non-remittance ng mga ikinakaltas sa inyo.
Thank you.
Labor Communications Office
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.