Elisse, McCoy tuturuan ng leksyon ang mga #poser

ELISE JOSON AT McCOY DE LEON

SIGURADONG hindi palalagpasin ng mga fans nina McCoy de Leon at Elisse Joson ang kauna-unahan nilang pagtatambal sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado ng gabi.

Gagampanan ni Elisse ang karakter ni Rose, isang mataba at di kagandahang dalaga na laging inaatake ng matinding insecurity dahil sa kanyang itsura.

Ngunit dahil sa isang pekeng Facebook account kung saan ginamit ni Rose ang litrato ng kanyang magandang pinsan, naging instant star siya sa social media. Talagang in-enjoy niya ang lahat ng atensiyon at papuri na ibinibigay sa kanya ng kanyang mga FB friends.

Hanggang sa makilala niya si Josh (McCoy), isang gwapong binata na unti-unting na-in love sa pekeng ganda ni Rose. Ginawa ni Rose ang lahat para maitago ang kanyang tunay na pagkatao kay Josh.

Ngunit dumating ang araw na kailangan na niyang aminin sa binata na peke ang lahat ng nalalaman nito tungkol sa kanya.

Ipinagtapat niya na hindi siya ang nasa profile ng kanyang FB account kundi ang pinsan niya. Galit na galit si Josh sa ginawa niyang panloloko at nagdesisyong lumayo na sa kanya at huwag nang magkita pa kahit kailan.

Iniyakan at pinagdusahan ni Rose ang nagawang pagkakamali kaya sinabi niya sa kanyang sarili na hinding-hindi na siya manloloko at magpapakatotoo na sa mga taong nakapaligid at magmamahal sa kanya.

Ngunit meron pa kayang magseryoso sa kanya at tanggapin kung ano talaga siya? Matagpuan pa kaya niya ang taong magmamahal sa kanya kahit ano pa ang kanyang pagkatao?

Makakasama nina Elisse at MacCoy sa MMK episode na ito na may hastag na #MMKposer, sina Chienna Filomeno, Ara Mina, Axel Torres, Igiboy Flores, Patrick Sugui, Vin Abrenica, Ysabel Ortega at Alvin Anson. Ito’y sa direksyon ni Raz dela Torre at sa panulat ni Jaymar Santos Castro.

Sa isang panayam kay Elisse, ikinuwento nito na bukod sa madadramang eksena nila ni McCoy sa nasabing episode, dusa rin ang inabot niya sa prosthetic na ginamit sa kanya para patabain at paitimin siya. Sey ng dalaga, “More than two hours yung pagkakabit then another two hours sa pagtanggal.

Nu’ng una, excited pa akong gawin ‘yung prothetics pero nu’ng sinusuot na sa akin, ang hirap pala.”

Read more...