NAGSAWA na rin si Judy Ann Santos sa pagsagot at pagpatol sa mga bashers na walang sawang nangnenega sa kanya sa social media.
Ayon sa Soap Opera Queen, napatunayan niya na iilang tao lang naman ang namba-bash sa kanya at pabagu-bago lang daw ng pangalan at account ang mga ito.
“Yang mga basher na yan pabagu-bago lang ng pangalan ang mga ‘yan. Tapos pare-pareho lang naman ang sasabihin tapos pag pinatulan mo, magbabago ng pananalita, pero mamaya, balik na naman. Tingin ko wala talaga silang ibang ginagawa sa buhay wala silang ibang past time kundi manlait at manira.
Kaya sige, ibigay ko na sa kanya yan,” ayon sa TV host-actress nang makapanayam namin sa presscon ng Sun Life Financial para sa launching ng tatlong digital short films dubbed as “Sun Shorts”.
Pagpapatuloy pa ni Juday, “May isa pa diyan, hindi ko alam kung concern siya, pero alam mong gumagawa lang siya ng issue. Kung anu-ano ang mga sinasabi, na kesyo, nag-eenjoy na naman si Ryan magsolo, buhay-binata na naman, may kabit, may ibang babae.
“E, diyus ko, araw-araw na nga kaming magkasama ngayon ni Ryan, ‘no. Halos hindi na kami naghihiwalay. Pero ewan ko sa ‘yo (basher), bahala ka na! Siguro hinihintay ka na ni Lord anytime soon! Ha-hahaha! Masama ba ‘ko?” natatawa pang chika ni Juday.
Isa si Juday sa mga celebrity endorsers ng Sun Life of Canada-Philippines na nagsilbing host para sa 4th Financial Independence Month ngayong June. This event aims to to help Filipinos break free from the cycle of financial shortage and insecurity. Nakasama rin dito sina Piolo Pascual, Matteo Guidicelli at Charo Santos.
“To inspire Filipinos to pursue their financial freedom, Sun Life is launching a new collection of its digital films dubbed Sun Shorts, which will highlight the relationships that make lives #BrighterTogether,” ayon kay Sun Life Chief Marketing Officer Mylene Lopa.
Dagdag pa niya, “The people we love give us the courage to dream big and the strength to keep going even if sometimes it feels like the odds are against us. Truly, we are brighter together.
“Our three new Sun Shorts films ‘Waves,’ ‘She Said, She Said’ and ‘Sayaw’ will present this in stories inspired by the stories of Sun Life clients. Through the Sun Shorts, we hope to show Filipinos how life insurance can help them ease their life’s burdens and celebrate their lives’ triumphs giving them the opportunity to show the people they love their commitment to a brighter future for them,” aniya pa.
Ang “Waves” ni Zig Marasigan ay para sa mga millennial, who are often criticized for adhering to the YOLO mindset and not preparing well enough for the future; ang kuwento naman ng single mom ang bibida sa “She Said, She Said” ni Nic Reyes; at ang “Sayaw” naman ni Mihk Vergara ay tumatalakay sa relasyon ng mag-asawa na nagkakasawaan na.
Mapapanood na ang tatlong short films na ito sa www.sunshorts2.com, “Each film will also come with an explainer video, where brand ambassadors Matteo, Juday and Piolo will share their thoughts and shed light on how insurance and investments enable us to protect the relationships that matter to us.”
Nagbigay naman ng payo si Ms. Charo tungkol sa #BrighterTogether, aniya, “We should be free to express our love and care for the people we love, and be there for them no matter what happens.”