IALAY sa Kanya ang kahinaan sa tukso ng sugal. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Tb 2:9-14; Slm 112:1-2, 7-8, 9; Mc 12:13-17) sa ika-siyam na linggo ng Karaniwang Panahon.
Hindi pabigat ang utang sa casino, atbp., kung dudulog lamang sa Diyos. Kapag lumapit sa Diyos ay tiyak na makababayad ng utang. Sa Kanyang patnubay ay maiaayos ang naipong obligasyon at mababayaran ang mga utang sa wastong paraan.
Bukod sa sariling panalangin para makabayad ng utang, hingin din sa Diyos na hipuin Niya ang puso ng nagpautang. Hingin na maunawaan ng nagpautang ang kalagayan ng may utang. Gagawa ng paraan ang Diyos para malampasan ang malaking pagsubok dahil wala namang imposible sa Kanya.
Sa pamamagitan ng Kanya awa at walang hanggang kapangyarihan ay matatapos ang suliranin at muling tatayo at makaaahon tungo sa wasto at magandang pamumuhay. Ang Diyos ay/ang pag-asa ng may utang dahil siya lamang ang kublihan ng nagigipit.
Maaawa ang Diyos at tutulungan ka. Kung: a) hihingin ang kanyang awa, presensiya at grasya, b) mangungumpisal, magsisimba at makikinabang sa Misa, c) dudulog sa Santisimo Sakramento, d) tatawagin ang Espiritu Santo at papapasukin siya sa puso para maging gabay sa pangangailangan.
Mahirap? Hindi naman. Mas mahirap dumulog sa banko o pinansiyer sa casino. Mas lalong mahirap kung isasanla sa demonyo ang kaluluwa. May patron ang mga Katoliko para makabayad ng utang: si San Jose, ang kagandahang-loob ng Diyos.
May payo si Atong Ang kung magsusugal. Huwag itataya ang pera na ibibili ng pagkain ng pamilya o ibabayad ng utang. Kung magsusugal, itaya lamang ang 10% ng kinita at huwag lalabis. Formula sa kita o suweldo: kita bawas ang impok; ang matira, expenses.
Sa bilang ng mga terorista sa Marawi, mabibigyan pala sila ng 5,000 birhen kapag nasawi sa kanilang paniniwala. Pilipit ang utak ng terorista. Pero, wala pang suicide bomber sa Pinas. Wala raw aray kapag pinasabog ang sarili. Hindi naniniwala ang teroristang Min.
Hindi paniniwala at espirituwal na adhikain ang nag-uutos sa teroristang Min. Pera ang nasa likod ng pagdukot, pananakop, pamamaslang at pamumugot ng walang laban at ayaw lumaban. Minsan nga, nagbayad na, pinugutan/pinatay pa.
Hindi tangan ng taumbayan ang susi para matapos na ang terorismo. Si Digong lamang ang may kakayahan at kapangyarihan. Bakit pinipigilan siya? Hindi rin solusyon ang martial law ni Corazon Aquino. Ang bumalangkas ng martial law ay pinili ni Aquino para maisakatuparan ang kanyang pagkamuhi kay Marcos, na hindi pala ang utak sa pagpatay kay Ninoy.
Kung ilalathala ang text messages ng mga taga-Iligan City (Barangay Poblacion, Rogongon, Mandulog at Tambacan) at Marawi City (Barangay Bubong Lumbac, Cabasaran, Marinaut West at Lumbaca Madaya) di kasya ang espasyo. Maliban sa dalawa, karamihan sa kanila ay maliliit at medium na negosyante. Sila’y mga Muslim na ang tanging hangad ay kumita araw-araw sa kanilang negosyo.
Bakit kilala ng mga pulis ang mga maghu-jueteng sa North Caloocan, lalo na sa Bagong Silang? Sila mismo ang bumaba sa mga barangay para pagsabihan ang mga maghu-jueteng na huminto muna dahil may one-strike policy mula sa DILG/Crame, na kapag may nakitang jueteng ang District o Crame ay sibak agad ang hepe.
Chalk lang, di na makabili ang gobyerno? Kawawang guro sa Santo Nino Elementary School sa Bagong Silang, Caloocan. Nagpaluwal ang ng sariling kakaramput na pera para ibili ng chalk.
PANALANGIN: Batid Mo kung paano ako nagkautang at ang dahilan nito, at kung gaanong hirap ang dinaranas ko mabayaran lamang ang lahat ng iyon. Fr. Mar Ladra, Diocese of Malolos.
REKLAMO mula sa Bayan (0916-5401958; litobautista5319@yahoo.com): Kami sa Barangay Bagting, Dapitan City ay binabaha ng fake news at fake text na lulusob daw ang ISIS. Alam namin pananakot ito pero red alert kami parati. Welma …5543