Nakatakda sanang pumunta ni Duterte sa Camp Ranaw, Marawi City ganap na ala-1:30 ng hapon para bisitahin ang mga tropa ng gobyerno na nagsasagawa ng operasyon laban sa teroristang grupong Maute.
Pasado alas-12 ng tanghali nang maglabas ng abiso ang Palasyo na kanselado na ang nakatakdang iskedyul ni Duterte.
Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang kanselasyon ay bunsod na rin ng sama ng panahon sa lugar.
Nasa ikalawang linggo na ang operasyon ng mga tropa ng gobyerno laban sa Maute group matapos ang paglusob sa Marawi City.
MOST READ
LATEST STORIES