ITINAPON ang katawan ng mayor ng bayan ng Bien Unido, Bohol matapos patayin ng mga dumukot sa kanya noong Miyerkules, ayon sa pulisya.
Ginalugad ng mga pulis ang karagatan ng Punta Engaño sa Lapu-Lapu City kung saan umano itinapon nag bangkay ni Bien Unido Mayor Gisela Bendong-Boniel.
Ipinaalam ng mga pulis sa media ang paghahanap matapos kumpirmahin na inaresto ang mister ng biktima na si Bohol Provincial Board Member Niño Rey Boniel, kaugnay ng pagkawala ni Gisela.
“We are checking the water off Punta Engaño because we received reports that it was thrown there,” sabi ni Senior Supt. Jonathan Cabal, head ng Regional Intelligence Division, na nakabase sa Cebu City.
Dinala umano sina Gisela at dalawang iba pang kasama sa Bien Unido Dive Camp noong Martes.
Sinabi ng best friend ng biktima na si Angela Leyson, na sinabihan sila na mag-overnight sa resort.
Ngunit umaga ng Miyerkules, sinabi ni Leyson na nagulat siya nang pumunta sa kanilang kuwarto ang maraming mga lalaki at tinakpan ng duct tape ang kanilang bibig.
Sinabi ni Leyson na narinig niya si Gisela na sinabihan niya ang kanyang mister na “In-in (palayaw ni Niño) ayaw si Lala(Angela) kay naa ang iyang anak sa pikas room (In-in, don’t include Lala because her child is with her.)”
Kasama ni Leyson ang kanyang 17-anyos na anak na lalaki.
Idinagdag ni Leyson na iyon na ang huling pagkakataon na nakita niya si Gisela.
Sinabi ni Senior Supt. Jonathan Cabal base sa imbestigason, binaril si Gisela ng pinsan ni Niño na si Kevin, shot dead Gisela.
Sinabi ni Leyson na nag-away sina Niño at Gisela dahil sa pera.
Ayon sa mga kaibigan ng mag-aasawa, nagalit si Niño nang malamang nangutang siya ng P2.5 milyong halaga ng relo.
Nauna nang inaresto si Niño dahil sa pagdukot sa kanyang misis.