Wala naman kaming maisagot dahil kahit ang ilang source natin sa GMA ay tikom din ang bibig sa tunay na estado ng relasyon ng mag-asawa. Pero ayon sa isang nakausap natin, hanggang ngayon ay inaayos pa rin nina Raymart at Claudine ang kanilang mga problema, at desisyon nila ang huwag nang magsalita pa para maiwasan ang pagsawsaw ng ibang tao.
In fairness, sa kabilang nito, nagpapaka-professional pa rin si Raymart, wala kaming naririnig na naging problema siya ng production staff ng serye nilang Home Sweet Home sa GMA TeleBabad. Smooth na smooth pa rin daw ang takbo ng kanilang taping, pero halata raw minsan sa aktor na meron talaga itong dinadala.
Samantala, abangan ngayong linggo ang pagpapatuloy ng nakaka-inspire at nakakaaliw na kuwento ng Home Sweet Home kasama pa rin sina Roxanne Guinoo, Jillian Ward, Gladys Reyes, Rochelle Pangilinan, Celia Rodriguez, Bea Binene, Jake Vargas at marami pang iba. Napapanood pa rin ito bago mag-24 Oras.