“Just like what I always say. I’ll do whatever I want with MY twitter account because it’s MINE? okay? #mindyourownbusiness,” walang kagatol-gatol na tweet ni Jessy.
Marami kasi ang nakapansin na tila hindi na siya interesado pa kay Matteo na napapabalitang merong gusto kay Sarah Geronimo. Nagkasama yata sa ilang shows sa US sina Matteo at Sarah at doon yata na-develop ang love ng car-racer-turned actor para sa dalaga ni Divine.
Ang observation ng marami ay nakarma itong si Jessy dahil iniwan din niya noon si JM de Guzman who became so desperate because of her.
Now, siya naman ang iniwan ni Matteo so she’s feeling the pain she once inflicted on JM when she left him. Mabilis na talaga ang karma ngayon, digital na.
Ano kaya ang masasabi rito ni JM, balikan kaya niya si Jessy ngayong alam niyang wala na sila ni Matteo? O, isa rin siya sa mga natutuwa na naghiwalay na ang dalawa at feeling niya ay nakaganti na siya sa babaeng “sumira” sa kanyang career?