DAPAT gawing bihag ng gobyerno si Cayamora Maute, ang tatay ng Maute brothers, at ipalit sa mga buhay ng isang pari at mahigit 100 Katoliko na mga hostage ng Maute group sa Marawi City.
Ang magkapatid na Abdullah at Omarkhayyam Maute ay mga lider ng mga terorista na sumalakay sa Marawi City at bumihag ng pari at kanyang mga parishioners sa St. Mary’s Cathedral.
Nasakote si Cayamora Maute sa isang checkpoint sa Davao City kasama ang kanyang anak na babae at kanyang pangalawang asawa habang patungong ospital.
Nagbanta ang Maute group na papatayin nila ang kanilang mga bihag kapag hindi tumigil ang mga sundalo ng gobyerno sa pagsalakay sa kanilang mga tinataguan sa siyudad na ngayon ay tadtad ng mga bomba at bala.
Puwes, kung tototohanin ng mga Maute ang kanilang banta, andiyan ang kanilang tatay at kapatid na babae na puwedeng sapitin ang malagim na mangyayari sa pari at kanyang mga parishioners!
May mga malalapit na kamag-anak din ang mga Maute sa Metro Manila, lalo na sa Pasig City, at puwede silang gawing bihag ng gobyerno.
Ang katagang “rido,” ang paghihiganti sa mga kamag-anak ng mga salarin, ay justified sa Maranaw culture.
Hindi puwedeng gawin ng Duterte administration ang rido o pagbihag ng mga kamag-anak ng mga Maute kapalit ng kanilang mga bihag dahil ipinagbabawal iyan ng batas.
Pero puwede namang ipagawa ito ng gobyerno sa DDS-style (Davao Death Squad) na grupo ng mga vigilantes.
There are many ways to skin a cat, ‘ika nga.
Napaka-estupido o desperado ng mga Maute brothers upang gumawa ng pangho-hostage sa ila-lim ng administrasyong Duterte.
Di ba nila nabasa—read between the lines— ang sinabi ni Pangulong Digong na kapag hindi sila tumigil sa pananalanta sa Marawi City ay “kakausapin” niya ang mga kamag-anak nito?
Nang mayor si Digong sa Davao City, ang San Pedro Cathedral ay binomba na ikinamatay at ikinasugat ng maraming nagsisimba.
Ilang araw ang pambobomba sa San Pedro Cathedral ay binomba rin ang mosque sa lungsod.
Ang Maute brothers ay mga edukadong tao at siyempre, malawak ang kanilang kaalaman dahil sa pagbabasa.
Pero nakaligtaan yata nilang basahin ang librong, The Art of War na isinulat ng Chinese writer na si Sun Tzu more than a thousand years ago.
Sinabi ni Sun Tzu na dapat alamin ang iyong kaaway ang kanyang puwedeng gawin laban sa iyo.
***
Habang ang gunman na si Jesse Javier Carlos ay namaril at nanunog sa Resorts World hotel-casino complex, tumakbo at nagtago ang mga guwardiya ng Lantin Security Agency.
Ang Lantin Security Agency, na nagdedeploy ng mga guwardiya sa Ninoy Aquino International Airport, ay notorious sa pagdedeploy ng mga “jaguar” na walang training, walang baril at estupido.
Nakukuha ng Lantin ang kontrata sa mga government agencies at ilang pribadong kompanya, gaya nga ng Resorts World, dahil diumano’y nanunuhol ito sa mga matataas na opisyal.
At dahil malaki ang ginastos ng Lantin sa panunuhol, nagbibigay ito ng maliit na sahod sa kanilang mga guwardiya.
Anong nagtulak kay Carlos na sugurin ang Resorts World?
Napagtagpi-tagpi ng inyong lingkod ang pangyayari bago ang insidente sa Resorts World, batay sa kuwento ng kanyang kaibigan, na hindi ko na tutukuyin, at sa mga news reports.
Dinukot daw si Carlos nina Alvin Cruzin, isang dating pulis Maynila, at Elmer Mitra Jr., isang lawyer-CPA, at isinakay sa kotseng BMW.
Sina Cruzin at Mitra ay mga casino financiers at malaki ang utang ni Carlos sa kanila.
Habang nasa loob ng kotse, naagaw ni Carlos ang baril ng tauhan nina Cruzin at Mitra, na kasama rin nila sa loob.
Ang taxi driver na naghatid kay Carlos sa Resorts World ay nakapansin na siya’y lumalakad na iika-ika.
Ang paglakad nang paika-ika ni Carlos ay pinasinungalingan ang ulat na siya’y nabaril ng mga security guards ng Resorts World sa paa.
Habang nagpambuno si Carlos at ang bataan nina Cruzin at Mitra, nabaril sa paa si Carlos kaya’t ito’y paika-ika ng paglakad palabas ng kotse.
Nang maagaw niya ang baril, pinutukan ni Carlos sina Cruzin at Mitra.
Matapos makawala si Carlos ay dumiretso na siya sa kanyang bahay at kinuha ang kanyang M-4 carbine at pistola na siyang ginamit niya sa panghahasik ng lagim sa Resorts World.
Incidentally, ang napatay na si Elmer Mitra Jr. ay anak ng dating Pasay City Prosecutor na si Elmer Mitra Sr. na nalulong din sa sugal.
Para sa tanong o komento, mag-email sa [email protected]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.