Unang semis slot kinubra ng SMB | Bandera

Unang semis slot kinubra ng SMB

Angelito Oredo - June 06, 2017 - 08:26 PM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Rain or Shine vs Star Hotshots
7 p.m. Meralco vs TNT KaTropa
UMISKOR ng 26 puntos si Marcio Lassiter para pangunahan ang San Miguel Beer sa 115-96 pagwawagi laban sa Phoenix at makuha ang unang silya sa semifinal round ng 2017 PBA Commissioner’s Cup.
Pinagbidahan ni Lassiter ang maagang pagratsada ng Beermen na lumamang ng 28 puntos, 51-23, sa first half.
Tumira ang Fil-Am sharpshooter ng 5-of-10 mula sa 3-point area at kumuha rin ng apat na rebounds at tatlong assists.
Sa pangunguna ng import nitong si Jameel McKay ay sinubukan ng Phoenix na makahabol sa third quarter kung saan naitapyas nito sa 14 ang kalamangan ng Beermen, 88-74, may 10:55 na lang ang natitira sa laban.
Pero sinagot ito ni Alex Cabagnot na umiskor ng siyam na puntos sa huling quarter ng laro.
Nagtapos si Cabagnot, ang nangunguna para sa Best Player of the Conference award, na may 20 puntos, walong rebounds at anim na assists para sa Beermen na umusad sa ikaanim nitong diretsong semifinal appearance.
“We’re so happy with this win because we were able to meet the expectations of so many people and our management. They expected us to be in the semifinals and I have to commend all the players because they know what’s at stake in this game and they really wanted to make it to the semifinals right away,” sabi ni SMB coach Leo Austria.
Ang import ng Beermen na si Charles Rhodes ay nag-ambag ng 14 points, 11 rebounds, at apat na blocks, habang ang three-time PBA MVP na si June Mar Fajardo ay may 15 puntos, walong rebounds at dalawang blocks sa 35 minutong paglalaro.
Muntik ding makapagtala ng triple-double si Chris Ross sa nakolektang 11 puntos, 10 assists, at pitong boards para sa Beermen.
Si McKay ay may 20 points, 13 rebounds at tatlong assists para sa Fuel Masters.
Samantala, pilit na sisikwatin ngayon ng Star Hotshots at TNT KaTropa ang silya sa semifinals sa Game 2 ng kanilang best-of-3 quarterfinal series.
Tinambakan ng Star ang Rain or Shine, 118-82, habang niratsada naman ng TNT Meralco, 102-84, sa series opener noong Lunes.
Makakasagupa ng San Miguel sa best-of-5 semis ang mananalo sa Star-Rain or Shine series.
—Angelito Oredo

PHOTO: INQUIRER

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending