Maine palihim na lumayas ng Pinas, nagbakasyon sa Maldives

 

LIHIM ang paglayas ng bansa ni Maine Mendoza. Nabasa lang namin ang isang post sa social media na nagbakasyon muna siya.

Sa Maldives daw ang destinasyon niya kasama sina Jenny Ferre, Vice President for Creative ng TAPE na producer ng Eat Bulaga, at Celeste Tuviera, owner ng isang sosyal na salon at namamahala sa buhok ni Meng.

Sa post ni VP Jenny, nag-iisa lang siya sa Maldives. Wala pang lumulutang na picture ni Meng. As we all know, deactivated na ang Twitter account ng Phenomenal Star.

Pinabaunan naman si Maine ng fans niya ng mensaheng ingat sa biyahe at enjoy sa bakasyon. Kailangan ni Maine ng bakasyon dahil sa sunud-sunod niyang proyekto.

Read more...