Matteo,Sarah pinakilig nang todo si coach Lea; Popsters nagpiyesta

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

MULING pinatunayan ni Matteo Guidicelli ang kanyang abot-langit na pagmamahal kay Sarah Geronimo nang sagutin nito ang tweet ni Lea Salonga nitong nagdaang weekend.

Habang umeere kasi ang Battle Rounds ng The Voice Teens last Sunday ay hindi napigilan ni coach Lea ang kanyang paghanga sa blooming na itsura ni coach Sarah kaya nag-tweet ito ng, “Dear Sarah, why so pretty?”

Maraming nagkomento sa nasabing Twitter post ni Lea, kabilang na ang mga Popsters. Pero ang talagang tumatak sa mga followers ni Lea ay ang sagot ni Matteo na, “Yes ma’am!”

Dito na mas kinilig ang mga fans nina Matteo at Sarah. Sey ng ilang netizens, ang simpleng pagsagot daw ng binata sa post ni Lea ay napakalaki ng impact sa kanilang relasyon. Ibig sabihin daw kasi, talagang proud na proud si Matteo sa kanyang GF.

Kahit nga si Lea ay natuwa at kinilig sa ginawa ni Matteo. Sey pa ni coach Lea sa dyowa ng Pop Princess, “Glad you approve of this message!”

Sa isang panayam kay Matteo, sinabi nitong kahit na marami silang pagkakaiba ni Sarah, “I guess we still complement each other. We are not the same in many things and marami kaming mga opposites but I think when two opposite people come together, they make the table fuller and make it better.”

Inamin din ni Matteo umaasa siya na si Sarah na nga ang kanyang forever.

Read more...