Mga Laro Ngayon
(FilOil Flying V Centre)
5 p.m. Foton vs Cherrylume
7 p.m. Cocolife vs Generika-Ayala
PAIINITIN ng mga baguhan ngunit puno ng ekspiriyensa at sanay sa mas mataas na lebel ng kompetisyon na mga Fil-Americans ang pagsambulat ngayon ng 2017 Philippine Super Liga (PSL) All-Filipino Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.
Unang magsasagupa ang two-time Grand Prix champion Foton Tornadoes at ang baguhang Cherrylume Iron Ladies na asam makapagtala ng magandang kampanya sa alas-5 ng hapon bago sundan ng Cocolife Asset Managers kontra sa Generika LifeSavers sa ganap na alas-7 ng gabi.
Isa ang Cocolife sa dalawang koponan na humugot ng kailangang tulong sa pagkuha ng mga Fil-Am players sa pagnanais nitong matabunan ang nakakadismayang kampanya sa ginanap na Invitationals pati na sa serbisyo ni champion coach Emilio “Kungfu” Reyes at sa high-flying Filipino-American open spiker na si Cherylain Dizon.
“Huwag lang kaming made-default, tiyak na lalaban kami,” masayang pagbati ni Reyes, na matatandaan na giniya ang RC Cola-Army sa panalo sa junior national team ng Thailand sa finals ng Invitationals nakaraang taon katulong ang maalamat na si setter na si Tina Salak bilang kanyang chief deputy.
Makakasama ni Dizon ang beteranong sina Michele Gumabao at Denden Lazaro pati ang mga bagong recruit na sina Joanne Bunag, Carla Sandoval, Marge Tejada, Angelica Cayuna, Shannen Palec, Jeanette Villareal at Mika Esperanza.
“Kungfu will be a big help in steering the team to its, hopefully, first semifinal finish,” sabi ni Cocolife team official Joshua Ylaya. “Competing against some of the best teams in the country is the kind of experience we need to get to where they are right now. Rome wasn’t built overnight, Cocolife is barely four months old but slowly but surely, we’re finding the right piece for this team.”
Si Dizon ay huling naglaro para sa Northeastern University.
Makakasagupa ng Cocolife ang Generika Ayala Lifesavers na gigiyahan ni national women’s volley mentor Francis Vicente at binubuo nina Patty Jane Orendain, Mary Grace Masangkay, Eiriel Cortez, Kathleen Arado, Geneveve Casugod, Angeli Araneta, Bia General, Shaya Adorador, Marian Buitre, Fiola Ceballos at Jasmine Alcayde.