Bashers ng ‘Ang Probinsyano’ ni Coco supalpal

YASSI PRESSMAN AT COCO MARTIN

MAY hugot ang mga tweet ni Yassi Pressman kahapon tungkol sa mga netizens na walang sawang namba-bash sa kanya.

Sa kanyang Twitter account, nag-post ng mensahe ang ka-loveteam ni Coco Martin sa FPJ’s Ang Probinsyano (after TV Patrol) na tumutukoy sa “fandom war” na nababasa niya sa kanyang social media account.

“May respeto ako sa lahat. Huwag mag away-away. Respetuhin natin ang isa’t isa,” ang makahulugang tweet ni Yassi.

Ang feeling ng kanyang mga followers, ayaw tantanan ng haters ang dalaga na ayaw sa kanya para kay Coco kaya naman patuloy din siyang ipinagtatanggol ng kanyang loyal fans pari na rin ng mga tagasuporta ni Coco.

Hindi kasi maikakaila na patok na patok ngayon ang tambalang CocoYass dahil na rin sa tagumpay ng Ang Probinsyano na nasa ikalawang aklat na nga at tatagal pa hanggang 2018.

Napahiya naman ang mga bashers ng nangunguna pa ring serye sa balat ng telebisyon dahil sa kabila ng pambabatikos sa programa nina Coco at Yassi ay patuloy pa rin itong humahataw sa ratings game at sandamakmak pa rin ang commercial nito.

Read more...