Fans ni Maine nag-donate ng P100K sa Go Fund Me Campaign

MAINE MENDOZA

GRABE ang pagiging galante ng grupo ng fans ni Maine Mendoza, ang Mainenatics Canada.

Sa isang post sa Instagram account, nag-donate sila ng P100,000 kay Meng para isang campaign, ang Go Fund Me Campaign na nakasulat sa envelop na nilagyan ng pera.

Bumuhos ang papuri at pasasalamat sa fan group na patuloy na sumusuporta sa charity works ni Maine.

Si Alden Richards naman, pinangunahan ang pamimigay ng school supplies sa ilang kabataang estudyante sa isang school sa Santa Rosa, Laguna.

Kahit sikat na sikat na, may oras pa rin sina Alden at Maine para sa pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan.

Read more...