Slaughter maglalaro na kontra Globalport

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. San Miguel Beer vs Phoenix
7 p.m. Barangay Ginebra vs GlobalPort

ISANG panalo na makakapagdala dito muli sa hagdan sa kampeonato ang asam ng top seed Barangay Ginebra Gin Kings na makakasama muli si Greg Slaughter sa pagsagupa sa No. 8 seed Globalport Batang Pier sa kanilang 2017 PBA Commissioner’s Cup quarterfinals match ngayon sa Smart Araneta Coliseum.
Una munang magsasagupa ang San Miguel Beermen at Phoenix Petroleum Fuel Masters sa kanilang sariling quarterfinals series ganap na alas-4:15 ng hapon.

Kapwa naman hangad ng magkapatid na SanMiguel Beer at Barangay Ginebra na makuha lamang sa isang laro ang kani-kanilang serye upang agad na makaabante sa semifinals. Kapwa bitbit ng Beermen at Gin Kings ang twice-to-beat na bentahe kontra Fuel Masters at Batang Pier.

Tampok ang pagbabalik ng 7-foot center na si Slaughter mula sa ACL right knee surgery noong Setyembre sa Gin Kings na inilagay naman sa reserved list si Jericho de Guzman.

Kinumpleto noong Biyernes ng Barangay Ginebra ang 11 laro nito sa eliminasyon na may 9-2 win-loss record kapareho ng San Miguel Beer at ang pumangatlo na Star Hotshots. Gayunman, nakuha ng Gin Kings ang top spot bunga ng mas mataas na quotient.

Magkasalo naman sa 4-5 kartada ang Phoenix, GlobalPort at napatalsik na Alaska Aces.

Agad nakatuntong sa kailangang walo ang Phoenix habang nagsagupa sa knockout game kamakalawa ang Batang Pier at Aces para sa No. 8 na pinagwagian ng una, 107-106, at makatapat ang Barangay Ginebra.

“GlobalPort has the ability to make tought shots at big memoments and that makes them incredibly dangerous down the stretch of games,” sabi ni Gin Kings coach Tim Cone na sasagupain at pilit na pipigilan ang apat na sunod na winning streak ng Batang Pier na sasandig kina import Justin Harper, Terrence Romeo at Stanley Pringle.

“Harper’s ability to shoot and spread the floor for Pringle and Romeo causes problems for defences. No doubt, we’re in for a battle,” sabi ng two-time grand slam coach.

Samantala, tinambakan ng TNT KaTropa Texters ang Meralco Bolts, 102-84, sa Game 1 ng kanilang best-of-three quarterfinals series Lunes sa Big Dome.

Kailangan na lamang ng TNT ng isang panalo para makausad sa semifinals.

Read more...