Jolens: Feeling ko naman hindi galit sa akin si Ate Kris!

MAY reunion movie na pala sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

Ito ang ibinalita ni Jolens nang makachika namin sa presscon kamakailan ng Super Twins Premium Baby Diapers/Easy Wear Baby Pants. Sila pa rin ng kanyang asawang si Mark Escueta at anak na si Pele ang celebrity endorsers ng nasabing produkto.

Kuweto ng Kapamilya TV host-actress, ngayong taon na raw nila sisimulan ni Marvin ang nasabing pelikula, pero wala pa raw itong title at hindi pa niya alam kung sinu-sino pa ang makakasama nila.

“Wala pang title, pero family comedy. Hindi ko pa masabi (ang cast) pero ang pwede ko pa lang sabihin kami ni Marvin kasi inaayos pa lang yung script,” sey pa ng Magandang Buhay host.

Tinanong din si Jolens kung ano sa tingin niya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring asawa si Marvin, “Yes tinanong ko siya about that. Kasi sabi ko nga sa kanya, ‘Marvs ang sarap sarap talaga yung meron ding mag-aalaga sa ‘yo, ganu’n ganu’n’. Pero sabi niya, ‘Masaya naman ako sa mga anak ko.’ Pero sana, sana, makita na niya ‘yung talagang para sa kanya.”

Samantala, nilinaw din ni Jolina ang mga tsismis na galit daw sa kanya si Kris Aquino, pati na rin sa mga co-hosts niya sa Magandang Buhay na sina Karla Estrada at Melai Cantiveros dahil nga sa pagkakasibak ng Kris TV.

Unang sinabi ni Jolens na hindi talaga nila in-expect na aabutin ng one year ang morning show nila, “Ang akala talaga namin one season lang talaga. Tapos ito, isang taon na pala kami.”

“Akala talaga namin magpapahinga lang si ate Kris. Ako personally, kasi ako ‘yung huli niyang guest (sa Kris TV). Nakakatawa nga nu’n, kasi noong huling guesting tinanong ko pa kay Darla, kung sino ang papalit. Wala pa akong idea nu’n, eh.”

So, feeling ba niya masama ang loob ni Kris sa kanila? “Ako hindi. Hindi ko iniisip na ganyan kasi nagte-text pa rin naman kami. Kinukumusta ko siya. Sumasagot naman siya.

“Wala akong nararamdaman o wala akong nakikita na may something kasi sumasagot naman siya agad. Kasi pwedeng hindi ka sumagot ng isang araw, di ba? Pero agad-agad naman siya (sumagot).”

Tingin ba niya nawalan ng career si Kris dahil sa kanila? “Ay hindi, hindi naman. I think hindi ko masasagot ‘yun pagdating kay Ate Kris kasi kaibigan ko siya. At mabait siya sa akin. So iba yung usapang work para sa akin.”

Read more...