SPEAKING of “Can We Still Be Friends”, mariing sinabi ni Arci Muñoz na naka-move on na siya “completely” sa break-up nila ni Badi del Rosario.
Sa isang panayam kay Arci, sinabi niya na umaasa pa siyang magkabalikan sila ng ex-BF na nakarelasyon niya ng apat na taon. Pero ngayon, “Hindi na po (ako umaasa) ngayon. Marami pong mga bagay na nangyari. Everything has been said and done. Wala na talagang chance.”
May bago na bang dyowa ang ex-BF niya? “Ewan, hindi ko alam. Pero kwento-kwento. Pero hindi na kasi ako nagtatanong, okay na ako.”
Pero para kay Arci parang hindi pa rin siya open sa posibilidad na maging friends uli sila ng kanyang ex tulad nga ng titulo ng movie nila ni Gerald, “Siguro para lang din sa peace of mind tsaka kung iisipin mo yung maidudulot niya sa sarili mo, na para sa akin wala ka ng iisipin, yun nga kasi anytime pwede kayong magkita or magkasalubong.”
“Pero not necessarily na kailangan kayo maging mag-friends, para sa akin. Kung pwedeng casual lang, hi-hello. Oo, kasi baka sabihin niya kapag hindi ka nag-hi bitter ka. Pero depende talaga sa sitwasyon,” aniya pa.
Showing na sa June 14 ang “Can We Still Be Friends” directed by Prime Cruz under Star Cinema.