NAGING emosyonal si Megastar Sharon Cuneta sa pagkukuwento tungkol sa mga pinagdaraanan niyang challenges sa buhay, kabilang na ang mga makahulugan at kontrobersyal niyang post sa social media.
Sa panayam ng Tonight With Boy Abunda, ipinaliwanag ni Mega kung saan nanggagaling ang mga hugot niya. Aniya, marami siyang realizations sa buhay nang sunud-sunod na mamatay ang mga taong malapit sa kanya tulad ng tatay ni Sen. Kiko Pangilinan, Wenn Deramas , Cornelia “Angge” Lee, Willy Cruz at ang kanyang uncle.
“I am no longer 30, I am nearing the end as opposed to before. I was nearer the beginning…Have I lived my life the way I wanted to? Did I make the right decisions? I realized many times I did not, because I was considerate of other people’s feelings at my expense,” simulang pahayag ni Sharon.
Dagdag pa ng The Voice Teens coach, nagpadagdag pa sa sama ng loob niya ay ang problema nila sa mana, “Hindi lang yun may mga galit akong nalabas. My parents trusted the wrong people, both of them. I am angry because why didn’t he call us? Why didn’t he say nanakawan kami ng mana?
“Even my mom. I will not say who but it was a nurse of hers, stole even the Birkin I gave her. Stole the money that came from the sale of our house in Dasma where we grew up. I mean wala kaming minana so I am so angry,” pag-amin pa ng misis ni Sen. Kiko.
Nilinaw din niya ang isyu ng “utang” na ipinost niya sa social media habang nasa US siya, “I owe so much money and there’s no one to help me. Ang ibig sabihin nu’n I’ve always been a responsible investor and my investment…one property will cost, and I have several, between eight to nine figures. So it’s not easy to sell something that costs 150 million.”
“I owe so much money and no one will help e, kung nandito lang ang Daddy ko. Ang dami niyang tinulungang yumaman. Wala akong maasahan. E ako rin mismo ang dami kong natulungan pero wala akong malapitan. I owe millions and I’m not talking pesos. Yun lang yun. I wish my dad was here,” litanya pa ni Sharon.
Hindi rin daw totoo na wala na siyang pera at bankrupt na siya, “I don’t mean to brag. I’m not bankrupt. I have been a billionaire since before I married Kiko. I don’t expect Kiko to pay for my utang kasi nga hindi naman nangingialam yan e. Di ba nga may prenup kami na suggestion niya kasi nga honorable yung asawa ko.”
Nang hingan siya nang mensahe para sa kanyang sarili gamit ang magic mirror ni Boy Abunda, aniya, “You are so blessed. You must thank more often than complain.
“Although you’ve always been grateful, you must think of how many people there are who are less fortunate than you. You must forgive yourself for decisions that are nobody’s fault but your own cause you made them.”
Hindi na napigilan ni Mega ang mapaiyak nang mapag-usapan ang kanyang namayapang ama, “I miss you, Daddy. Daddy, I miss you so much. I miss my life with you.
“I miss Dasma. I miss being your child. I miss little Sharon. I miss Sharon in her 20s. I miss you Mama Mina, my mommy ko. I miss you and I miss me. I miss me,” pagtatapos ni coach Sharon.