Ex-gov’t official kampanteng mananalo sa protest case | Bandera

Ex-gov’t official kampanteng mananalo sa protest case

Den Macaranas - June 02, 2017 - 12:10 AM

KASING taas ng mga bundok sa kanilang lungsod ang kayabangan ng isang dating opisyal ng pamahalaan na natalo noong nakalipas na halalan.

Ganyan ang ginawang pagsasalarawan ng ating Cricket sa isang dating opisyal na ngayon ay kampanteng makababalik sa gobyerno.

Noong isang linggo kasi ay tinanong ng ilan sa kanyang mga kaibigan ang dating opisyal sa kung ano ang kanyang masasabi at mayroon nang itinalaga ang Malacanang na permanenteng pinuno ng dati niyang pinamumunuan na ahensya.

Dati na kasing maugong ang mga reports na ibabalik siya ng pangulo sa dati niyang pwesto makalipas ang 1-year ban sa paghawak ng posisyon sa pamahalaan ng mga natalo sa halalan.

Pero hindi ito nagkatotoo dahil iba ang inilagay sa pwesto ng Malacanang.

Ipinaliwanag ng opisyal na malakas naman daw ang kanyang laban sa inihain niyang electoral protest kaya okay lang kahit hindi muna siya mabigyan ng pwesto sa gobyerno.

Sinabi pa ng dating opisyal na ilang buwan na lang naman daw ang kanyang hinihintay ay makukuha na niya ang pwesto na kanyang tinarget noong nakalipas na halalan.

Ang ibig sabihin nito ay kampante siyang mananalo ang inihain niyang protesta noong nakalipas na eleksyon.

Sinabi ng ating Cricket na mukhang alam ni Sir ang kanyang sinasabi dahil sa totoo lang ay malaki na ang inilabas nitong pera para lang matiyak na pagdating ng paglalabas ng desisyon sa petisyon ay makakakuha siya ng paborableng desisyon.

Ito rin ang dahilan kaya masyado itong tahimik at nagre relax lang sa kanilang malamig na lugar na hindi kalayuan sa Metro Manila.

Ang inaasahan lang na magpapainit sa kanyang ulo ay ang graft charges na isasampa laban sa kanya sakaling manalo siya sa inihain na election protest.

Nagbanta kasi ang mga kaalyado ng pinakamalapit niyang nakalaban noong eleksyon na guguluhin nila ang buhay ni Sir sakaling katigan ng hukuman ang kanyang protesta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang pulitiko na ngayon pa lang ay kampanteng makukuha niya ang ipinaglalabang pwesto kauganay sa protestang inihain niya sa nakalipas na eleksyon ay si Mr. T…as in Talo na nanalo pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending