Ogie Diaz: Sorry di po ako ganu’n ka-powerful para manggapang!


MARIING pinabulaanan ng manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz na ginapang niya ang “Darna” project sa Star Cinema para mapunta sa kanyang alaga.

Pormal nang inanunsyo ng Star Cinema at ABS-CBN na si Liza ang magiging kapalit ni Angel Locsin sa muling paglipad ni Darna sa big screen. At kasabay nga nito ang mga intriga sa pagkakapili kay Liza para bumida sa nasabing pelikula.

Sa kanyang Facebook account, nag-post si Ogie ng mensahe para sa lahat ng mga kumukuwestiyon sa pagkakapili ng Star Cinema kay Liza bilang bagong Darna na ididirek ni Erik Matti.

“Ginapang ko daw yung Darna para mapunta kay Liza Soberano. Sorry po, hindi naman ako ganu’n ka-powerful para manggapang ng project para sa alaga ko.

“Eh, kung nakuha lang pala sa gapangan yang Darna eh di sana, nabalitaan nyo na rin na ako ang gaganap na Ding,” ang biro pang pahayag ng talent manager-comedian.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Liza, inamin ng dalaga na magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman niya ngayon bilang bagong Darna, “Sobrang na-excite po ako and siyempre, I’m happy and I feel really honored to be able to don the iconic costume and to be able to embody what she represents.

“And siyempre, medyo nervous din po. Kasi iyong expectations ng mga tao, I want to be able to please. But of course, at the end of the day, you can’t please everyone. And ang gagawin ko na lang po is I’ll give my more than 100% best sa project na ito.

Para naman sa kanyang training, “I will undergo functional training, which is working out at the gym lang nagpapalakas po. And then eventually, I’ll have stunt training, dance workshop para sa timing and gracefulness kapag gumalaw.

“And then I think I’ll have acting workshops again, as well as dialogue training. I want to look physically strong and capable of doing the stunts,” sey pa ni Liza sa panayam ng ABS-CBN.

Ang kailangang abangan ngayon ay kung sinu-sino ang makakasama ni Liza sa “Darna”. Pero may nasagap kaming chika na baka raw si Onyok Pineda ang gumanap na Ding sa muling paglipad ni Darna sa big screen. Ito nga raw ang dahilan kung bakit pansamantalang inalis ang karakter ni Onyok sa Ang Probinsyano ni Coco.

Samantala, niregaluhan naman ni Angel Locsin ng mga Darna komiks si Liza para makatulong as preparasyon nito. Nag-post si Ogie sa FB ng ilang larawan ni Liza hawak ang mga nasabing komiks at magazines, “Yang mga magazine na yan, bigay sa kanya ni Angel Locsin. Ibig sabihin, gusto ni Angel si Liza gumanap na Darna.”

 

Read more...