DJ Mo ikinalat ang litrato ni Mocha Uson na nakapang-madre pero naka-panty lang

MAY follow up na birada si Mo Twister sa buwelta ni Assistant Secretary Mocha Uson laban sa mga bumanat sa kanyang nakaraang posts sa kanyang blog. Isa kasi si DJ Mo sa agad na bumanat sa government official.

Sa sagot ni Asec. Uson, wala naman daw siyang binanggit na mga Pinoy ang sundalong nasa picture sa blog niya. Pinagdiinan niya ang mga salitang symbolism at common sense sa buwelta niya.

Agad nag-post si Mo sa kanyang Instagram account ng picture ni Asec. Mocha na nakapang-madre pero naka-panty lang! May hawak pa siyang kandila na korteng ari ng lalaki.

Wala itong caption pero may hashtags si DJ Mo na, “#Symbolism @mochauson.”

Halo ang komento ng followers ni DJ Mo. May sumang-ayon at meron din namang kumampi kay Asec. Mocha. Pati nakaraang kontrobersiya kay Mo ay kinalkal ng ilang followers niya.

Read more...