Jolina mahigit 5 ang gustong anak: Tsaka sana magkaroon kami ni Mark ng kambal!

NAHIRAPAN man si Jolina Magdangal sa unang trimester at huling buwan ng pagbubuntis niya sa panganay nila ni Mark Escueta na si Pele, nais pa rin niyang sundan ang anak na three years old na.

Humarap sina Jolens, asawang si Mark at anak sa media nang muli silang kunin ng Megasoft Hygienic Products, Inc. para maging model family ng produkto nitong Super Twins Premium baby diaper. Meron kasing easy to wear baby pants ang Megasoft na sakto kay Pele.

“Patakbu-takbo na kasi si Pele. Talun nang talon. Kung dati, premium baby diapers lang ang suot niya, ngayong lumalaki na siya and with his more active behavior, gamit na niya ang Super Twins easy to wear baby pants,” saad ni Jolens sa launching ng produkto at ng pagiging model family nila.

Mas maraming oras ang inilalaan ngayon nina Jolina at Mark. Isinama ni Jolens si Pele sa taping niya paminsan-minsn. Ayaw kasi nilang iniiwan ito nang basta-basta. Kahit sa date nila eh, ka-join si Pele.

Nais ni Jolens ng malaking pamilya kaya kung kakayanin pa niya, five or more pa ang gusto niyang anak at wish niya eh, magkaroon siya ng kambal na saktung-sakto sa Super Twins diaper, huh!

Samantala, puring-puri naman ni Jolina ang kanyang husband na si Mark dahil sa pagiging hands on father nito kay Pele.

Kung marami raw siyang sakripisyo sa kanilang panganay ay ganu’n din ang ginagawa ng kanyang mister. Maayos din daw ang agreement nila pagdating sa pag-aalaga kay Pele kapag pareho silang busy sa trabaho kaya so far ay wala silang masyadong nagiging problema.

Read more...