JennyGil loveteam ang tindi ng pakilig sa ‘MLFTS’

HINDI nagpahuli ang newest Kapuso loveteam na sina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva sa paghahatid ng out-of-this-world kilig sa kanilang fans sa pagsisimula ng My Love From The Star last Monday night.

Feel na feel ng mga manonood ang matinding chemistry sa pagitan ng dalawang bida kaya naman hindi na kataka-takang naging isa ito sa top trending topic social media.

Nais ng mga tagasuporta nina Jen at Gil na ipahatid sa mahusay nitong direktor na si Bb. Joyce Bernal ang pagbati dahil sa natural at kapani-paniwalang kilig na hatid ng MLFTS.

Puro papuri rin ang natanggap ng tambalang JennyGil mula sa viewers at ntizens dahil hindi sila binigo ng mga ito. Umpisa pa lang daw ay feel na feel na nila ang aso’t pusa at abot-langit kilig sa mga eksena nina Steffi at Matteo. And promise ng JennyGil, mas mai-in love at mas kilig overload pa ang mga susunod na eksena nina Steffiat at Matteo.

Kaya siguradong mas marami pang kilig feedback ang mababasa at maririnig namin mula sa mga manonood sa pagpapatuloy ng My Love From The Star sa GMA Telebabad after Mulawin vs Ravena.

Read more...