Angelica super excited na sa reunion movie nila ni Angel

EXCITED na si Angelica Panganiban sa pagsisimula ng shooting para sa reunion movie nila ni Angel Locsin. Their last film pa together was “One More Try” noong 2012.

In an interview, Angelica said, “Nasabi ko naman dati na nakaka-excite na kung ano ‘yung nagawa ng time sa pag-grow namin dalawa ni Angel bilang actress, nakaka-excite na siyempre ‘yung transition kung ano ‘yung mga bago naming magagawa ngayon.”

“At napapanood ko naman siya nang madalas, tapos nag-MMK pa siya, di ba at sa trailer pa lang na napanood ko, nakakakilabot na. So very excited na talaga ako na magkatrabaho uli kami,” she said.

She also has an upcoming series sa ABS, with Paulo Avelino and Julia Montes, ang Victims of Love. Makakasama rin dito sina Cherry Pie Picache at Lorna Tolentino.

Read more...