Alden: Mas malakas kami ni Maine kapag magkasama!


BALIK uli sa split screen sina Alden Richards at Maine Mendoza sa Eat Bulaga kahapon. Nagpakita sa barangay si Meng bilang Barangay Secretary habang nasa Broadway Centrum naman si Alden.

Usap-usapan pa rin ang nakaraang guesting ni Meng sa “Upsurge” concert ni Alden last Saturday. Doon nagpasalamat ang Pambansang Bae kay Yaya Dub sa lahat ng naitulong nito sa kanyang career, “Yung experiences namin, yung mga naranasan namin together on and off cam, yun ang nagpapatatag sa amin up to this point.

“Ang dami naming natutunan sa isa’t isa and natutunan sa mga bagay na nangyayari sa amin. And we’re really stronger together,” ang bahagi ng thank you speech ni Alden during the concert.

Kahit umulan eh, punumpuno pa rin ng tao ang KIA Theater. Si Meng naman last Sunday, tinapos ang TV commercial shoot kasama si Julia Barretto.

Dahil naman sa duet ng dalawan ng Coldplay hit na “Yellow”, naglabasan ang bagong designs ng Coldplay at Ice Cream na ipinost ng ilang members ng AlDub Nation. After ng successful na Destined To Be Yours series nina Alden at Maine, ang paggawa naman ng bagong movie ang pinagsisigawan ang AlDub Nation!

 

Read more...