John Lloyd, Sarah nagkakapaan pa sa bagong pelikula

INAMIN ni John Lloyd Cruz na medyo nagkakapaan uli sila ni Sarah Geronimo sa reunion movie nila under Star Cinema. Ibang-iba raw ang bagong nilang pelikula sa lahat ng mga nagawa nila before na pawang mga box-office hits.

“Nakakapanibago siya, bago para sa amin ni Sarah and bagong direktor pero iyun naman ang dahilan hindi naman pwede lahat na lang nakasanayan na lang natin,” ani Lloydie sa isang panayam. Hindi pa raw sila nakakapag-bonding ni Sarah nang bonggang-bongga dahil lagare sila sa kanilang mga projects ngayon.

“Nakikita ko lang siya kapag may shooting nakikita ko siya kapag nagpe perform siya pero sa personal im still guessing it’s been a while since huling nagsama kami medyo nagkakapaan pa ulit,” sey pa ng aktor.

Read more...