Alden tinuturuang maging madasalin si Bae-by Baste

Larawan mula sa Facebook page ng Eat Bulaga

IMINUMULAT na ni Alden Richards si Baby Baste na maging madasalin sa murang edad ng bagets.
Sa isang photo nilang lumabas sa social media, magkasama ang dalawa sa simbahan at nagdarasal.

Ang pagiging madasalin ang naging instrumento ni Alden kaya naman narating niya ang estado niya bilang Pambansang Bae. Mula noon hanggang ngayon ay hindi nakakalimot ang Kapuso heartthrob na magpasalamat sa Diyos sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya.

Kahit maraming trabaho, sinisiguro niyang nakakadaan siya sa simbahan upang magdasal at magpasalamat sa Diyos.

aldenAt dahil kasama niya halos araw-araw si Baby Baste, tinuturuan na ni Alden ang bata upang magkaroon ng pananalig sa Diyos.

Read more...