Walang forever sa showbiz: Kathryn todo ipon habang kumikita pa ng milyones

KATHRYN BERNARDO

MATAGUMPAY ang inagurasyon ng bagong negosyong pinasok ng sikat na young actress na si Kathryn Bernardo, ang KathNails, na nasa 5th floor ng The Block sa SM North EDSA.

Mawawala ba naman sa ribbon cutting ang nagmamahal sa kanya nang sobra-sobra na si Daniel Padilla? Siyempre’y hindi siya puwedeng balewalain ng sikat niyang ka-loveteam sa harap at likod ng mga camera.

Dumating sila nang sabay sa venue dahil sinundo siya ni DJ, sa kotse ng young actor sumakay si Kathryn, pero nakasunod naman sa kanila ang sasakyan ng dalaga na ang nakasakay ay ang kanyang mga magulang at kapatid.

Ayon kay Ogie Narvaez-Rodriguez, ang aming anak-anakang malapit sa pamilya Bernardo at marketing manager ng KathNails, “Parang nagkaroon po ng instant mall tour nu’ng i-nauguration ng KathNails dahil umaga pa lang, e, nandu’n na sa venue ang mga fans ng KathNiel.

“Nakaabang na sila sa pagbubukas ng mall. At sila rin ang mismong tumulong sa mga security ng SM para maging maayos ang ope-ning ng KathNails.”

Maaga pa lang ay pinaghahandaan na ni Kathryn Bernardo ang kanyang kinabukasan. Sikat na sikat pa siya, kumikita nang milyones, pero hindi niya nakakalimutang isipin ang katotohanan ng buhay na walang forever sa anumang larangan.

Napakasuwerteng dalaga. Maligaya na ang kanyang puso dahil sa pagmamahal ni Daniel Padilla ay napaligaya pa niya ang kanyang pamilya sa maayos na paghawak sa kanyang pinaghihirapan.

Read more...