Anak ni Mega palaban sa bashers: Paki ko sa inyo!

 

PALABAN! Iyan ang pinatunayan ng anak ni Megastar Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan nang resbakan niya ang kanyang mga basher sa social media.

Hindi nagpasindak ang dalaga sa mga hater na walang ginawa sa social media kundi ang mangnega ng kanilang kapwa. At tulad din ng kanyang inang si Shawie, i-pinamalas ni Frankie ang kanyang katapangan.

Hindi pinangalanan ng anak nina Mega at Sen. Kiko Pangilinan kung sino ang nambu-bully sa kanya at kung anu-ano ang mga kanegahang pinagsasabi nito laban sa kanya.

Pero ito lang ang mensahe ni Frankie sa basher na ipinost niya sa kanyang Twitter account: “I got my first negative Instagram comment and I’m living for it???????????? HUNNY U THINK I CARE AHAHAHAHHA!”

In fairness, mukhang hindi nga basta-basta magpapaapi si Frankie sa mga bully. Let’s see kung makakaya nga niya ang pressure sa showbiz at kung hanggang saan ang kaya niyang gawin against these bashers.

 

Read more...