Jason kailangan nang magsalita sa isyu ng harassment | Bandera

Jason kailangan nang magsalita sa isyu ng harassment

Cristy Fermin - May 27, 2017 - 12:30 AM

JASON ABALOS

JASON ABALOS

HANGGANG ngayon, habang kuda nang kuda ang estudyanteng diumano’y nakatikim ng harassment mula sa kanya, ay wala pa ring anumang pahayag na nagmumula kay Jason Abalos.

Ilang linggo nang pinagpipistahan sa social media ang kuwento, meron nang mga kaibigan ng babae na nagpapatotoong ginawa nga ‘yun ng magaling na aktor sa babae, pero nananatiling tahimik lang si Jason.

Kung ang mga taga-showbiz ang hihingan ng opinyon, lalo na ang mga kapwa niya artistang madalas makatrabaho ng aktor, ay parang ayaw maniwala ng mga ito na may kapasidad si Jason Abalos na mambastos ng babae.

Maayos ang pagkakilala sa kanya ng mga taga-showbiz, hindi nila ipinagtatanggol ang aktor at pinalalabas na nag-iimbento lang ng istorya ang estudyante, pero ‘yun talaga ang pagkilala nila kay Jason.

Tahimik lang ang magaling na aktor, pero siguradong hindi niya naman binabalewala lang ang ganu’ng klase ng isyu, dahil pagkatao na niya ang nasisira sa takbo ng mga kuwento.

Siguro’y kailangan na ring magbigay ng opisyal na pahayag si Jason Abalos para malinawan na ang mga akusas-yong ibinabato laban sa kanya. Habang tumatagal kasi at sa paulit-ulit na paglalabas ng mga salita kontra sa kanya ng babae ay nakakaalarma na rin na baka lumala nang lumala ang sitwasyon.

Kung meron siyang dapat sabihin ay gawin na sana ngayon pa lang ni Jason Abalos. At kung wala naman siyang dapat ipaliwanag at ipag-alala ay mas makagaganda para sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending