Gamboa Coffee Mix naungusan ang Zark’s Burger

Mga Laro sa Martes
(JCSGO Gym)
3 p.m. CEU vs Wangs Basketball
5 p.m. Batangas vs Marinerong Pilipino

IPINAMALAS ni Leo Avenido ang husay bilang isang beteranong manlalaro matapos buhatin ang Gamboa Coffee Mix sa 85-84 pagwawagi laban sa Zark’s Burger sa pagbubukas ng 2017 PBA D-League Foundation Cup Huwebes sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang 38-anyos na si Avenido, na nagsisilbi rin bilang Coffee Lovers playing coach, ay naghulog ng go-ahead free throw may 3.1 segundo ang nalalabi sa laro para makalamang ang kanyang koponan bago napigilan ng kanilang depensa ang potensyal na game-winning shot ni Robby Celiz.

Inihulog ni Avenido ang 12 sa kanyang 15 puntos sa second half para sa Gamboa Coffee Mix.

Read more...