Pagsasalita ng anak nina Cesar at Sunshine inupakan ng netizen

angelina cruz

NABATIKOS ang anak ni Sunshine Cruz na si Angelina Cruz when one netizen noticed that she speaks in Eanglish during a TV guesting.

“Ask ko lang Pinoy naman kayo ba’t hindi nagtatagalog ang mga anak mo?” tanong ng isang netizen.

“She is exerting effort and learning,” sagot naman ni Sunshine.

“D ko gets. yeah English speaking siya since birth? Eh nasa Pinas naman siya I’m sure may mga Tagalog speaking siyang nakakasalamuha di natuto? Pinsan ko kasi laking states hindi marunong magtagalog PERO marunong magIlokano,” reacted one guy.

“OA ng netizens ha!! Di lang naman siya ang ganyan sa Pilipinas porke ganyan siya nung nainterview ibabash na,” said one fan of Angelina.

“Oo nga! Oa niyo. Meron nga sa matagal sa showbiz na straight English kahit wrong grammar at walang sense ang sinabi, di niyo ibash? Harsh niyo sa bata!” say ng isa pang faney.

“Gets ko point ni Sunshine. Pero gets ko din yung sa netizen. Tanda ko sa interview niya dati, nag aaral or fluent na ata sa Chinese ang mga anak nya.

“Mapagbibigyan na sana yung English kasi ma-english na bansa tayo (although di pa rin excuse yun) pero yung papaturuan mo pa ng ibang language ang anak mo pero ang sariling language ng nationality nyo ay di alam, medyo oa naman,” one intelligent guy opined.

Read more...