Hiling ng madlang pipol sa ABS-CBN: Bigyan agad ng bonggang serye sina Juday at Piolo

judy ann santos at piolo pascual

WHETHER amicable or otherwise ay nagkapaalaman na sina Kuya Alfie Lorenzo at Judy Ann Santos as manager and artist, respectively.

Balik-TV na si Juday via a pasiklaban among babies, doing alternate hosting ng programang ganito ang tema at palabas pitting kitchen masters against each other.

While Juday is good at hosting, iba pa rin ang gusto ng kanyang mga tagahanga para sa kanya. Like pompom girls who make up a loud cheering squad, ang mas isinisigaw nila’y ang pagkakaroon ni Juday ng isang teleserye uli.

Let’s face it, between acting and hosting ay mas mahusay si Juday sa talentong nagpasikat sa kanya, earning her a huge following for her lakrimosa school of her babagsak na luha on cue effortless acting.

But with the emergence of KathNiel, LizQuen, JaDine and soon to be introduced screen tandems ay saan lulugar si Juday? Hindi naman siya puwedeng gumanap bilang nanay ng isa sa mga ito lest she’s relegated to the major supporting cast which she does not deserve.

Paniniwala ng marami, keri pa ni Juday na pangunahan ang isang soap with returning leading man Piolo Pascual, and why not?
Knowing the creative minds meron ang ABS-CBN, maaari silang gumawa ng isang Juday-Piolo project reminiscent of their glory days.

Read more...