MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. May tanong ako sa PhilHealth.
Na-confine ang tita dahil sa pneumonia at na-avail naman ang mga benefits, pero wala pang isang buwan ay itinakbo na naman siya sa ospital at sinabi ng doktor na kinakailangang i-confine uli. Ang findings ay pneumonia na naman dahil mukhang hindi po ito nagamot sa unang ospital kung saan siya na confine.
Ask lang po sana kung sa second time ay may makukuha pa rin siyang benefits. Malaking tulong din po ang maibabawas sa kanyang PhilHealth. Ano po ang dapat naming gawin?
Amelia Manansala
Fermina st., Poblacion, Makati
REPLY: Mayroon po tayong policy na Single Period of Confinement na kung saan, kinakailangang may 90 days interval kung maga-avail ang miyembro o dependent ng kanyang PhilHealth benefits para sa parehas na sakit o diagnosis.
Subalit kung magkaiba naman po ang sakit o diagnosis ay maaari po uli itong magamit provided na hindi pa ubos ang kanyang 45 days benefit alllowance sa loob ng isang taon.
Para sa mga karagdagang katanungan, maaari pong magpadala ng mensahe muli sa amin o tumawag sa numero bilang 02)441-7442.
Para sa karagdagang impormasyon o bagong serbisyong polisiya, maaari pong bisitahin ang aming website sa www.philhealth.gov.ph
Maraming salamat po.
Warm regards,
CORPORATE ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
nfr
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.