Cebu triathletes wagi sa Eco Trail

GINAWANG training ground lamang nina Sherwin Managil at Mary Luz Shimizu ang Freedom Rizal Park sa Guihulngan City, Negros Oriental nang dominahin nila nitong weekend ang 1.5-kilometer swim, 40-km. bike, 12k run na 1st Eco Trail Triathlon.

Nagwagi ang pambato ng Sante Barley Tri Team na si Managil sa tiyempong isang oras, 58 minuto at 10 segundo.

Naungusan niya ng anim na segundo lang si Chobie Duenas ng Motor Ace-Kawasaki Racing Team (1:58:16), habang nasa malayong tersera si Karl Greysa Le (2:01:40).

Nanalo naman sa women’s si Shimizu ng Repro Optima (2:26:52) na malayong sinegundahan ni Hazel Busa (2:43:21). —Angelito Oredo

Read more...