HINDI namin naitanong sa aming mga katsika na nasa Araneta Coliseum noong Linggo for the 25th anniversary ng Star Magic kung nakita ba nila doon si Jason Abalos?
Nasa hotseat na naman kasi ang aktor kaugnay ng social media post ng isang 17-year old na nagsasabing hinaras at binastos daw siya ni Jason sa pamamagitan ng social media.
Ang mas matindi pa, may ilan pang female netizen na nagsasabing biktima rin umano sila ng sexual harassment. Nagkukuwento pa raw ang mga ito kung paano sila hinaharas ng guwapong aktor para makipagkita sa kanila kung saan-saan.
Totoo man ito o hindi, maliwanag na hindi ito nakakatulong kay Jason lalo pa’t minsan na rin siyang nagkaroon ng video scandal before. Ang huling tsika, mukhang apektado na raw ang relasyon ng binatang aktor sa girlfriend nitong si Vicki Rushton, na isang former PBB housemate.
Ayaw man naming paniwalaan ito bilang kaibigan din namin ang aktor, but Jason needs to clarify and answer things lalo pa’t damaging talagang matatawag sa kanya ang akusasyon ng dalagita na nagbanta pang magsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanya.