Eric Quizon gusto nang patayin ng madlang pipol

eric quizon

MALAPIT na rin palang matapos ang isa pang primetime serye ng ABS-CBN na My Dear Heart under Dreamscape Entertainment. Sa napanood naming episode last Monday, talagang sagaran na ang kasamaan ng karakter ni Eric Quizon bilang si Dr. Francis.

Hindi siya titigil hangga’t hindi siya nakakaganti kay Dra. Margaret (Coney Reyes) at sa pamilya nito. May plano na siya kung paanong mapapatay ang batang si Heart (Heart Ramos) na comatose pa rin hanggang ngayon sa ospital.

Sa katunayan, halos isumpa na ng mga manonood si Eric Quizon dahil sa napakasamang role niya sa serye. As in talagang gusto na siyang patayin ng viewers dahil sa effective portrayal niya bilang kontrabida.

May magagawa pa ba ang kanyang pamilya (Zanjoe Marudo, Bela Padilla, Rio Locsin, Ria Atayde at Enzo Bingo Pelohero) para mailigtas si Heart sa kamay ni Dr. Francis? O, baka naman mismong si Heart na ang gagawa ng paraan para tuluyan nang mabuking ang doktor sa plano nitong pagpatay sa kanya?

Marami pang kaabang-abang na eksenang mangyayari sa pagpapatuloy ng My Dear Heart na napapanood pa rin sa Primetime Bida pagkatapos ng Ang Probinsyano.

Read more...