Shaina wala pa ring boyfriend, plano na lang daw magmadre

 

NAKITA namin ang ate Sheila Moreno nina Vina Morales at Shaina Magdayao sa isang coffee shop sa isang sosyal na mall kamakailan kasama ang kaibigan at kumustahan to the max kami dahil ilang taon na rin kaming hindi nagkita.

Naalala pa ng ate Sheila ng magkapatid kung ilang taon si Shaina noong kasa-kasama namin ang pamilya Magdayao – 2 years old bossing Ervin at naka-diaper pa noon ang isa sa bida ng seryeng The Better Half.

Kinumusta namin ang lovelife ni Shaina sa ate Sheila niya, “Parang planong magmadre yata ni Shaina, tawag nga sa kanya, sister Shaina,” natawang sagot sa amin.

Sa madaling salita, walang boyfriend si Shaina ngayon, “Wala naman, wala namang sinasabi sa amin at wala kaming nakikita. Busy sa taping niya, di ba, The Better Half?” kaswal na sabi ni ate Sheila.

Hmmmm, so alam mo na bossing Ervin? Puro lang tsismis ang mga nali-link sa aktres. Nabanggit pa ng ate nina Vina at Shaina na bukod sa taping ay busy din sila sa kanilang negosyong Ystilo Salon na magdiriwang na ng ika-19th year sa Nobyembre ngayong taon.

“Awa ng Diyos, Reggee, malakas naman maski maraming competition. Kabubukas nga lang namin ng Davao branch nito lang,” masayang sabi sa amin.

Speaking of The Better Half, pipilitin ni Camille (Shaina) na alagaan si Marco (Carlo Aquino) kahit pa pigilan siya ng kanyang asawang si Rafael (JC de Vera).

Dahil nga niligtas ni Marco ang buhay ng pamilya ni Camille mula sa sunog kaya may utang na loob siya dating mister at tutulungan itong gumaling sa pinsalang natamo mula sa sunog.

Pero pangungunahan ng selos si Rafael dahil para sa kanya, hindi na kailangan pang magkita ang dalawa.

Read more...