SARAH: Sobrang hinahangaan ko rin si CHARICE!

NIRERESPETO ni Sarah Geronimo ang desisyon ni Charice na magpakatotoo na sa kanyang sarili at sa publiko. At para aminin daw nito ang pagiging tomboy sa harap ng milyun-milyong Pinoy, grabe raw ang katapangan ng international singer.

Very open si Charice sa pagsasabing crush na crush niya si Sarah Geronimo. Ang isa pa raw na hinahangaan niya ay si Donna Cruz.

Sa interview kay Sarah ng ABS-CBN news, inamin ng Pop Princess na noon pa ay grabe na rin ang paghanga niya kay Charice, “Sobrang fan ako ni Charice, and ang admiration ay mutual, di ba?”

Sey pa ni Sarah na kararating lang mula sa successful series of concerts niya abroad, “Ako ay hangang-hanga sa talento ni Charice, at lahat tayo ay nagdarasal para sa kanya.”

Kung matatandaan, si Sarah ang host noon ng reality singing search ng ABS na Little Big Star kung saan naging runner-up si Charice. Si Sam Concepcion ang nanalo sa nasabing contest.

Read more...