Matteo sa pagiging Darna ni Sarah: Bagay!

SARAH GERONIMO AT MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO AT MATTEO GUIDICELLI

NANINIWALA si Matteo Guidicelli na pwedeng-pwedeng maging Darna ang girlfriend niyang si Sarah Geronimo.

Kamakailan, sa launching ng kanyang vlogs para sa bagong ad campaign ng Sun Life Financial, ang “Make It Mutual,” natanong si Matteo kung ano ang masasabi niya na maraming boto kay Sarah bilang kapalit ni Angel Locsin sa bagong movie version ng “Darna.”

“Kung gusto niya, bakit hindi po?” Tingin niya bagay kay Sarah ang role? “Siyempre naman. Susmarya!”
Nauna nang sinabi ni Sarah na baka raw tanggihan niya ang Darna role kung sakaling ialok ito sa kanya dahil hindi niya keri ang mag-two piece.

“Eh ‘di wow! Gusto ninyo bang makakita ng Darna na naka-jumpsuit?” natatawang komento nito sa isang panayam.

Pero sa ilang isinagawang poll para sa nasabing proyekto, isa raw siya sa nasa number one choice, sey ni Sarah, “Hindi po totoo ‘yan. Popsters lang ang may gusto niyan!”

Pero para sa amin, perfect si Sarah para sa bagong version ng Darna.

Read more...