Sunday PinaSaya waging-wagi sa rating, AlDub panalo rin

sunday pinasaya

NADAIG ng Sunday PinaSaya sa ratings game ang all-star cast ng ASAP last Sunday.

Nakakuha ng 5.8% ang SPS habang 4.8% ang ASAP base sa data ng AGB Nielsen.

Nagbalik na sa SPS si Marian Rivera. Present din sa show si Maine Mendoza. Nakisaya rin sa programa ang cast ng Mulawin vs. Ravena. Sa ASAP, 100 stars daw ang dumalo.

‘Yun nga lang, wala pa ring binatbat ang ASAP sa SPS. Patunay na ang nasabing GMA program pa rin ang paboritong panoorin ng mga Pinoy tuwing Sunday, huh!

Samantala ang episode naman last Friday ng Destined To Be Yours ang tumalo sa rating ng kalaban nitong show base sa inilabas na data ng NUTAM. Nakakuha ng 10% ang DTBY bahang 8.8.% lang ang kalaban.

Patapos na this Friday ang unang series nina Alden at Maine. Kaya naman tutok lang AlDub Nation!

Read more...