Tanong ng madlang pipol: Bakit wala pang bagong serye ang JaDine?

nadine lustre at james reid

“REGGEE, makakatulong ba ang JaDine sa Showtime? O, ang Showtime ang makakatulong sa JaDine?” ang tanong sa amin ng mga sumusubaybay ng noontime show sa ABS-CBN.

Opinyon namin, pareho silang magkakatulungan dahil baka madagdagan ang rating ng It’s Showtime ngayong napapanood na doon ng regular sina James Reid at Nadine Lustre dahil aminin natin, marami naman talagang followers ang JaDine.

Pero malakas pa rin naman ang It’s Showtime dahil sa Tawag ng Tanghalan Kids.

“Hindi ba mas makakatulong ang Showtime kina James at Nadine? Kasi wala na silang regular show, di ba? So, sa Showtime, may exposure na sila,” katwiran sa amin.

May punto rin naman ang kausap namin dahil mas mabuting nakikita pa rin ng mga tao ang magka-loveteam para hindi sila mawala sa eksena.

Malay n’yo, magka-ideya ang advertising companies na kuning product endorser si Vice Ganda at ang JaDine o sinuman sa hosts ng Showtime?

Ang tanong ulit sa amin, “Bakit wala pang teleserye ang JaDine? Naunahan pa sila ng KathNiel at balita namin inaayos na rin ang sa LizQuen?”

Sabi na lang namin, may tamang panahon naman ang lahat ng bagay. Dapat marunong lang tayong maghintay.

Read more...