Liza emosyonal nang dumalaw sa libingan ng tatay ni Enrique

LIZA SOBERANO AT ENRIQUE GIL

LIZA SOBERANO AT ENRIQUE GIL

NAGING emosyonal ang Kapamilya young actress na si Liza Soberano sa ipinost niyang mensahe sa Instagram nitong weekend matapos dumalaw sa puntod ng tatay ni Enrique Gil.

Ayon sa dalaga, napakarami niyang realizations sa buhay nang isama siya ng kanyang ka-loveteam sa libingan ng ama nito na pumanaw noong 2008 dahil sa cancer.

“Witnessed something so beautiful the other day. Words cant even explain how much love i felt when taking this picture,” ang sabi ni Liza sa kanyang IG post.

Nang makorner ng ilang entertainment press last Sunday sa ASAP Star Magic 25th anniversary celebration na ginanap sa Araneta Coliseum, nagkuwento si Liza nang bahagya kung ano ang nangyari.

“Kasi ‘yung birthday ng daddy niya May 17, ‘yung day na iyon ‘yung mom niya ginigising siya pero hindi makabangon si Quen (Enrique) dahil medyo masama ‘yung pakiramdam niya so ‘yung mom niya pumunta mag-isa.

“Usually ‘yung mommy niya may kasamang kapatid niya si Andie. So the next day nag-text si Quen, ‘Pwede mo ba akong samahan pumunta sa papa ko?’, kasi sabi niya, ‘I feel bad I wasn’t able to go,’ so sinamahan ko po siya,” pahayag ng dalaga.

Dagdag pa ni Liza, pag-uwi niya sa bahay, naisip niya kung gaano siya kaswerte dahil meron pa siyang tatay na nagpaparamdam ng pagmamahal sa kanya, samantalang si Enrique ay ulila na sa ama.

“Medyo naging sad ako kasi kinausap niya ‘yung papa niya na as if his papa was just there. Parang na-realize ko kung gaano kabilis ang buhay and how we should appreciate things in life.

“Siyempre ako I have a dad and I fight with him a lot, siyempre normal lang naman ‘yun pero you know ngayon nare-realize ko swerte pala ako kasi may papa ako and si Quen wala na siyang papa,” hirit pa ng aktres.

Read more...