Bayani mala-Duterte ang role sa bagong pelikula ni Vhong

bayani agbayani

MALUHA-LUHA ang komedyanteng si Bayani Agbayani habang nagkukwento sa amin nu’ng tanggapin niya ang Best TV Actor for a Comedy Program sa KBP 25th Golden Dove Awards na ginanap sa Star Theater last Tuesday.

Napili siya bilang Best Comedy Actor sa programa nila ni Karla Estrada na Funny Ka Pare Ko sa CineMo.

Sa sobrang happiness ni Bayani, hindi na raw niya nabanggit during his speech na ang award na nakuha niya sa KBP ay ang kauna-unahan niyang trophy bilang comedy actor sa loob ng 22 years niya sa showbusiness.

“First acting award ko at saka 48 na ako. Wala pa talaga akong acting award. Kaya gusto kong magpasalamat nang husto sa KBP. Siyempre lahat naman minimithi na makamtan ‘yung award ng KBP sa iba’t ibang larangan,” ani Bayani.

Nakalaban niya sa kategoryang ‘yan sina John Lloyd Cruz at Jason Gainza. Habang si Angelica Panganiban naman ang tinanghal na Best TV Actress in a Comedy Program.

Tamang-tama ang award ni Bayani sa pagsisimula niya ng bagong serye sa ABS-CBN. Kasama siya sa Robin Padilla-Jodi Sta. Maria-Richard Yap drama series titled Sana Dalawa Ang Puso Ko.

“Doon ako sa part ni Richard Yap. Ako si Mang Nestor, best friend na driver ni Richard. Ako nakakaalam ng sikreto niya lahat, at ng tunay niyang ugali. Buddy-buddy kami.”

Si Ryan Bang naman daw ang gaganap bilang sidekick ni Robin sa Sana Dalawa Ang Puso Ko.

Bukod dito, nagsimula na ring mag-shooting si Bayani para sa isang bagong pelikula kasama ang dati niyang sparring partner sa pelikula na si Vhong Navarro.

“Yes, ito ‘yung ‘Woke Up Like This’ with Vhong and Lovi Poe under Regal Films. Si Direk JF (Joel Ferref) ang director namin. Dito naman best friend ko si Vhong. Ako si Baste Duterte, nag-character ako. Inaral ko,” proud na sabi ni Bayani.

Pinakita pa sa amin ni Bayani ang mukha at porma ni Baste sa kanyang cellphone na gagayahin niya for the movie.

In fairness kay Bayani, double effort talaga siya for his role sa movie nina Vhong at Lovi, pati na rin bagong serye niya sa ABS-CBN. Bumibili raw siya ng sarili niyang costume and accessories needed for his roles.

“Maglalagay din ako ng hikaw sa bandang labi. Bumili talaga ako. Pero fake lang ‘yan,” biro niya.

Hindi naman afraid si Bayani na gayahin si Baste dahil kaibigan niya raw ‘to especially ang isa pang Presidential Son na si Paolo Duterte.

“Si Paolo Duterte, ‘yung panganay na anak ni Presidente, ninong ng bunso kong si Sabrina. Tine-text ko si Baste, e. May number niya ako. Binigay ni Paolo. E, busy din. Hindi pa sumasagot. Pero okey lang naman kasi kakatuwa ‘yung role,” say niya.

Take note, ang “Woke Up Like This” ang kauna-unahang pelikula ni Bayani sa produksyon ni Mother Lily Monteverde. Kaya raw siya naisama sa movie ay dahil writer din sa Funny Ka Pare Ko ang sumulat ng movie. And more importantly, si Vhong daw mismo ang kumausap sa kanya.

Bandang June raw siguro ipapalabas ang movie nina Vhong at Lovi. Wish ni Yani na sana raw ipasok sa MMFF this year. Matagal na kasi niyang pangarap na magkaroon ng movie sa MMFF.

Read more...