Camille: Praning ako pag nagkakasakit si Nathan dahil may history siya ng cancer!

camille prats

INAMIN ni Camille Prats na talagang napapraning siya kapag nagkakasakit na ang kanyang anak na si Nathan, lalo na kapag inaatake na ang bagets ng kanyang allergy.

Hindi raw kasi sakitin si Nathan kaya kapag nilagnat ang bata ay talagang kinakabahan na si Camille. Nakachika namin at ng ilan pang entertainment editors ang Kapuso TV host-actress sa presscon ng bagong endorsement nilang mag-ina.

Kasama ni Camille na humarap sa media si Nathan bilang mga ambassador ng Rite Med For Kids. Ineendorso nila ang lahat ng pambatang gamot ng Rite Med.

“Si Nathan kasi hindi siya sakitin. Siguro mula nu’ng ipanganak siya tatlong beses pa lang siyang nagkaroon ng sobrang high fever. But he has allergies, meron siyang allergic rhinitis and that’s something na talagang binabantayan ko.

“Kasi di ba, may history din kasi siya ng cancer sa father side. So ‘yun ang laging inaalala ko na nakakapraning talaga. So kapag may mga times na inuubo siya o bahing nang bahing, I try yung mga natural remedies muna like fruits, lemon and turmeric.

“Pero pag sobra na yung sneezing, yung cough and prolonged na yung nararamdaman niyang allergies, that’s when I consult na our pedia kung ano yung tamang gamot for that particular time kasi ayoko naman yung basta na lang magbibigay ng gamot baka mali na pala yung pinapa-take ko sa kanya,” paliwanag ni Camille during the media con.

Buntis din ngayon ang host ng celebrity talk show na Mars na napapanood sa GMA News TV with Suzi Entrata courtesy of her second husband VJ Yambao kaya triple ang ginagawa niyang pag-iingat sa kanyang kalusugan.

Perfect timing nga raw ang pag-alok sa kanila ng grupo ni Vincent Patrick Guerrero, ang General Manager ng RiteMED para maging brand ambassadors ng RiteMED for Kids. Sabi ni Vincent si Camille ang first choice nila sapagkat naniniwala sila na bilang isang magulang ay taglay ng aktres ang mahahalagang pag-uugali at katangian.

Swerte ang taong 2017 para kay Camille dahil sa sunod-sunod na blessings na kanyang natatanggap. Matapos magpakasal at mabiyayaan ng pangalawang anghel labis-labis ang galak na kanyang nadarama at labis na pasasalamat sa tiwala at oportunidad na ipinagkaloob sa kanya ng RiteMED na may adbokasiya na “magbigay ng access sa mga Filipino sa de kalidad ngunit mas mababang halaga ng mga gamot.”

Ayon kay Guerrerro ang paglulunsad ng product line na para sa mga bata (Multivitamis + CGF syrup, Ascorbic Acid syrup, Zinc-Ctm syrup at Paracetamol syrup) ay alinsunod sa kanilang adbokasiya na makapagbigay sa mga Pinoy ng mga dekalidad ngunit mas murang gamot. At nagpapasalamat siya kay Camille dahil nagtiwala sila sa advocacy ng kumpanya.

Samantala, naka-leave pala si Nathan sa children show ng Dos na Goin Bulilit kaya hindi na siya napapanood sa programa.

Hirap daw kasi ngayon ang schedule ni Camille at ni Nathan kaya nagpaalam muna sila sa GB. Pero sana raw ay makabalik pa ang bata sa show dahil enjoy na enjoy din daw ito sa taping ng Goin Bulilit.

 

Read more...